asilana_matet ([info]asilana_matet) wrote,

Last Exam

Honestly, I had a great time teaching the students of Mayamot National High School in Antipolo. I know that it’s all worth the effort and money we spent for this outreach activity. Though it’s tiring, from the doing the visual aids, buying and preparing the foods for them and doing the actual teaching, I know that we have made a difference in their lives. I was touched when three of the students approached me crying and told me, “Ate mami-miss namin kayo.” I also cried and hugged them upon hearing those words.
It was also the time na naging close kami sa isa’t isa ng mga classmates ko especially ng mga groupmates ko. Ang pamatay na meditation ni Mich. Take note: meditation kunwari ang tawag pero paa, tuhod, balikat, ulo ang kanta. Saan ka pa di ba? Talagang di ka aantukin dahil maiiyak ka sa katatawa. Ang astig ng pagpapaliwanag ni Mon ng noun, verb, adjective at adverb. Si Keren at ang pamatay niyang linya na, “May tama ka! Addict ka!” Si JR na nagtuturo nang nakapikit. At si Ileen na may kasamang makulit na friend. Super thankful nga kami kasi ang laki ng naitulong samin ng friend niya na si Madz.
I must say, this is an experience I will never forget. At least alam ko na ang gagawin ko pag napracticum na ko. Mahirap siya sa una pero pag in-enjoy mo naman siya makaklimutan mo na ang hirap lalo na kapag nakita mong na-appreciate ng mga estudyante yung ginagawa mo. At sarap din ng pakiramdam nung alam mong may natutuhan sila. Naiyak din ako sa inspirational talk/ sermon ni Ma’am Isidro. Pero kahit na alam kong may mga nasaktan dahil sa ilang salita, alam ko namng may natutuhan ang bawat isa. Umuwi kaming pagod pero may ngiti sa aming mga mukha. Ang ingay nga naming sa van. At ako naman super malas kasi pagbaba ko mula sa van saktong lubog ang left foot ko sa lubak. Buti na lang madilim kaya di masyadong halata. Pagdating ko sa bahay, kumain agad ako at natulog.

  • Post a new comment

    Error

    Your reply will be screened

  • 0 comments
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…